Sunday, May 4, 2008

Are you from here?

Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo... na ang sabi mo'y ako ang tanging nasa puso mo...
Yan ang tugtog kagabi habang naglalakbay ako sa madilim na kalsada kasama ang malimlim na ilaw ng posteng matanda pa sakin. Pasuray suray ako sa daanang hindi ko alam kung talaga bang may patutunguhan. Isang araw na ang lumipas simula ng ipanalangin kong sana hindi ko na lang tinupad yung pangako ko.OO! yung pangako ko sa'yo na MAMAHALIN KITA!!!
Mukhang tumatambling ang mga anghel ngayon sa kalangitan dahil sa kagalakang nauntog ako at nalamang wala naman talaga tayong patutunguhan pero..................................................malaking bahagi ng puso ko ang sabay na nalunod at nauhaw. Kailangan kitang malimutan. Kulot na ang katinuan ko pero di pa yun sapat para kalimutan ang lahat. Naisip ko, walang control+alt+delete yung utak ko para idelete yung mga kasalukuyang bagay na bumabayo sa aking diwa. Tahimik na ang kalsada. Malamlam. Nagaanyayang humalika ako at...at...DOON NA MATULOG! waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Panget!
*Tsook! gulp..gulp..gulp..* Saan galing yun? ahuh? may narinig ako? teka...
Hinanap ko ang mapangakit na tunog...
Malamig...
Tumatagos sa himaymay ng aking dry na balat...
Wooow!
Tindahan ni aling Ester!
"San mig nga..pampahulas!"
*Tsook* Tagay ko na to...alam ko namang wala akong kaagaw pero kelangan ko pa ring magpaalam para sa mga espirito ng alak. Ganun daw talaga...*kasabihang tumador*
Hmmm...Teka? Mula sa likuran koy lumiwanag...
Milyongmilyong boltahe ang nagbigay daan sa nanginginig kong isipan...
Umikot ang aking alaala...
Mula sa pagkabata hanggang sa kinatatayuan ko ngayon...
Mula sa kaninang pagiging dakilang sawi hanggang sa pagiging mortal...
Nakatayo pa rin ako...ngunit di na sa aking paanan...
Mula na sa harapan ng kung sino...
Peste, di ko siya kilala at kung kilala ko, si ko siya makita...*lasing na ko*
ME: Are you from here?
Imbis na sumagot agad eh binanatan niya ko ng ngiting 7 inches wide and 3 inches height!
YOO este SIYA: Now i am!
Haaay! Mula sa pagtambling ng mga anghel kanina ay naramdaman kong nagkasirkus na sa langit! Kumain na atah ng apoy si kerubin! Yung iba lululon ng manok at tumulay sa alambre!
Alam kaya nilang magiging tanga ulit ako?
ABANGAN...

No comments: