Saturday, June 13, 2009


Say It Again

Thing about love, is I never saw it coming
You kinda crept up into me by surprise
And now there's a voice inside my heart that's got me wondering
Is this true? I wanna hear it one more time

Move in a little closer
Take it to a whisper
Get just a litter louder

Say it again for me
Cause I love the way it feels when you are telling me that i'm the only one who blows your mind
Say it again for me
It's like the whole world starts to listen when you tell me you're in love
Say it again

The thing about you is you know just how to get me
You talk about us like there's no end in sight
The thing about me is that I really wanna let you open the door and walk into my life

Move in a little closer
Take it to a whisper
Get just a litter louder

Say it again for me
Cause I love the way it feels when you are telling me that i'm the only one who blows your mind
Say it again for me
It's like the whole world starts to listen when you tell me you're in love

And it feels like it's the first time
That anybody's ever brought the sun without the rain
And never in my whole life
Have I heard words as beautiful as when you say my name

Say it again for me
Cause I love the way it feels when you are telling me that i'm the only one who blows your mind
Say it again for me
It's like the whole world starts to listen when you tell me you're in love

Say it again
Say it again
Say it again

Say it again
Say it again
Say it again

Say it again
Say it again
Say it again

When you tell me you're in love

Say it again

Tuesday, April 21, 2009

MUAHUGZZZ (mwahags)

Ang lamig sa labas. Salamat (pwera sa tulo ng bubong at putik sa labas) dahil pagkatapos ng mahabang araw ng taginit kung saan nagmistulang panaderya ang kuwarto ko (peksman! kapag nagiwan ka ng bagong masang tinapay in 15 minutes, VOILA! me monay ka na!!!) ay naisipan din ni mother earth na magpafresh naman. Rainy days used to made me busy. Ito ang perfect timing para tapusin ang 3 dangkal na libro ni dan brown, kumain ng kahit anung maiinit (hindi kasama ang pagpapapak ng baga), magitara! (dahil hindi ka sisisgawan ng kapitbahay mo na patigilin mo si kerokeropi sa pagkanta kahit alam nilang ikaw yun...ayaw nilang sabihing IKAW mismo tumigil kasi sensitive sila so kukuha sila ng second person este prag aside from you), at syempre...ang kaadikang magtext campaign!

TEXTING? yeah... kapag nagtanung ka sa simpelng pinoy about the meaning of the word TEXT, cellphone agad ang una nilang maiisip at isasagot. Isang uri ng instant messaging where in paulitulit mong titipahin ang isang numero para makabuo ng salita. EX. Ang word na 'kamusta' ay equivalent ng 55-1-6-88-8-1. HI_tech diba? kaya wag kang hihingi ng tulong through text. dahil pwedeng abo na lang ang bahay niyo bago ka makapag GM ng 'sunog'. Isang paboritong past time nating mga pinoy habang naghihintay, nagpapaantok, o kaya adik ka alng talga sa text (LIKE ME!)

But one thing na mas natatawa ako is yung text message ng MUAHUGS (kiss sabay hug?)
Oo,. promise... Isipin mo na lang...Kung wala kang alam sa mundo ng cellphone at narinig mo yun or nabasa, parang pangalan ng isang mabangis na hayop o kaya ng malignong matatagpuan sa tabi ng ilog.

"Nako magingat ka diyan kela aling Ising, may naghahabol na mwahag diyan."
"Huwag kang pupunta sa tabing ilog, magpasintabi ka kung magkaganun dahil binabahayan yan ng maraming mwahag"

Cute diba?? wahahaha! Naisip ko. Hindi siya pwedeng gawing word sa meaning na totoong katumbas nito. Parang nakakalagnat pakinggan.

oh pano? hmmm..timpla muna me ng kape! wehehehe! MWAHAGGGS!

Saturday, April 11, 2009

My sunset and me...

There's a unique force pulling my life towards each other's side. The spirit of dillema is getting stronger everyday. But the pain of rejection and the fear of getting to know myself deeper do show me that reality is nothing but a footprints in the sand. No matter how you convince some people that each marks was yours... A simple whisper from a raging sea wave can hide those proof... And the sand are just a silent witness to where you've been.

Sunset and i have one thing in common.
No matter how many people sit and watch me as i say goodbye...I will always be alone through my rise and fall

Friday, June 13, 2008

Bato Sa Buhangin: Taong Grasa

Bato Sa Buhangin: Taong Grasa

Taong Grasa

Malayo pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakalat sa kalasada. Nakaukol sa akin ang ibatibang uri ng tingin. Pagtataka, panguuyam, pagkaawa, pagkatakot at pagtatanong. Ang bawat madaanan ko ay unti unting nahahawi. Nagbibigay daan sa aking makitid na paglalakbay. Gusto ko silang kausapin ngunit para saan? Kakausapin ba nila ako pabalik? Hindi. Lalayo lamang sila kasama ang mga kasagutang minimithi kong makamtan ngunit patuloy na ipinagdadamot ng pagkakataon. Gusto ko silang hawakan. Maramdaman ang init na nagmumula sa ibang katawan, makita ang salaming umaaninag sa ibang pagkatao...pero sa tuwing gagawin ko yun. Hungkag na hangin ang pumipigil sa akin...at sila'y tatakbo...palayo...

Ilang taon na rin akong ganito. Pakalat kalat sa kalsada. Walang siguradong pinanggalingan at walang siguradong patutunguhan. Sa tuwing kinakausap ko ang aking sarili'y may naririnig akong mga sagot ngunit alam kong hindi iyon nanggaling sa akin. Pinagkakaitan ko ng kalayaan ang aking mga mata upang makita ang toong liwanag ng buhay. Sumisigaw ang isang parte ng aking pagkatao...nagpupumiglas na magising. Kung bakit mayroong patuloy na paghimlay sa aking diwa, isa nanamang karagdagang katanungan para sa kasagutang wala atang nakakaalam.

Masdan mo ako. Ang aking gulagulanit na damit. Ang masangsang na amoy na nagmumula sa aking marungis na katawan na nababalutan ng itim na panglabas kong kaanyuan. Ang aking mahabang buhok na tumigas na sa dumi at sikat ng araw. Ang mga kuko kong nanlilimahid at kinapitan ng lupang nagmula pa sa haba ng aking nadaanan. Ang mga matang namumula at nakakatakot titigan...Nakita mo ba ang damdamin ko? Gusto kong makita mo ang aking puso at ang mga natatangi kayamanang doon nakaimpok...nanaisin mo ba?

Patuloy ako sa paglalakbay...dala ang aking kumakalam na sikmura. Salamat sa basura. Tulay ko sila sa pagtawid sa isang uri ng aking pangangailangan. Dapit hapon na pala. Kailangan ko pang patuloy na maglakbay. pansamantala...ilalagay ko muna ang umiinog kong mundo sa isang sulok ng madumi at mapanghing kalsada. Langhapin ang lahat ng usok na ibinubuga ng makabagong karwahe ng buhay. Baka sakaling sa pagupo ko doon ay makita ko ang susing matagal ko nang hinahanap. Sayang, nais kong ngumiti sa'yo at kausapin ka...Nais kong ilahad ang madaming bagay ng aking pagkatao. Ang luha at galit...ang alaala...ang ligaya...nawawala sila.

Nais kong ngumiti sa'yo...dahil alam ko na iyon lamang ang tanging bagay na maiibibigay ko. Ipinagkait ng lupa ang maraming bagay sa akin. Gusto mo ba akong makita? Gusto mo bang sumama? Sa mundong madilim...

npakapalad mo dahil muli mong makikita ang sinag ng umaga... Kapag nangyari 'yon...
maari mo ba akong ihalik sa kaniya?

nagmamahal,
taong grasa

HINANGIN....

music and lyrics: lee xiaoran


Kamusta na
Tila ka'y bigat ng mga matang...
Gaya pa rin ng dati

Ano na ba
May bago bang balita
Bakit sakin ay nagbago na

refrrain:
Di maitago ikaw sa kahapon
Dilim ng sandali
Mga alaalang sugat sa damdamin
Naghahanap pa rin

chorus:
Hinangin ang pagibig
Ang pangarap ko
Ang pangako mo
Sa akin
Ay dalangin
Na magising na
At ikawang kapiling ko...

'Di ba sasabihing
May dahilan
At di ba pipiliting
Ibalik ang nakaraan

repeat refrain and chorus**

Tandang tanda pa rin
Di man lang tumingin
Bawat hakbang mo'u papalayo
Sa gitan ng ulan
Ikaw ay lumisan...kasamang...

repeat chorus**