Friday, June 13, 2008

Bato Sa Buhangin: Taong Grasa

Bato Sa Buhangin: Taong Grasa

Taong Grasa

Malayo pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakalat sa kalasada. Nakaukol sa akin ang ibatibang uri ng tingin. Pagtataka, panguuyam, pagkaawa, pagkatakot at pagtatanong. Ang bawat madaanan ko ay unti unting nahahawi. Nagbibigay daan sa aking makitid na paglalakbay. Gusto ko silang kausapin ngunit para saan? Kakausapin ba nila ako pabalik? Hindi. Lalayo lamang sila kasama ang mga kasagutang minimithi kong makamtan ngunit patuloy na ipinagdadamot ng pagkakataon. Gusto ko silang hawakan. Maramdaman ang init na nagmumula sa ibang katawan, makita ang salaming umaaninag sa ibang pagkatao...pero sa tuwing gagawin ko yun. Hungkag na hangin ang pumipigil sa akin...at sila'y tatakbo...palayo...

Ilang taon na rin akong ganito. Pakalat kalat sa kalsada. Walang siguradong pinanggalingan at walang siguradong patutunguhan. Sa tuwing kinakausap ko ang aking sarili'y may naririnig akong mga sagot ngunit alam kong hindi iyon nanggaling sa akin. Pinagkakaitan ko ng kalayaan ang aking mga mata upang makita ang toong liwanag ng buhay. Sumisigaw ang isang parte ng aking pagkatao...nagpupumiglas na magising. Kung bakit mayroong patuloy na paghimlay sa aking diwa, isa nanamang karagdagang katanungan para sa kasagutang wala atang nakakaalam.

Masdan mo ako. Ang aking gulagulanit na damit. Ang masangsang na amoy na nagmumula sa aking marungis na katawan na nababalutan ng itim na panglabas kong kaanyuan. Ang aking mahabang buhok na tumigas na sa dumi at sikat ng araw. Ang mga kuko kong nanlilimahid at kinapitan ng lupang nagmula pa sa haba ng aking nadaanan. Ang mga matang namumula at nakakatakot titigan...Nakita mo ba ang damdamin ko? Gusto kong makita mo ang aking puso at ang mga natatangi kayamanang doon nakaimpok...nanaisin mo ba?

Patuloy ako sa paglalakbay...dala ang aking kumakalam na sikmura. Salamat sa basura. Tulay ko sila sa pagtawid sa isang uri ng aking pangangailangan. Dapit hapon na pala. Kailangan ko pang patuloy na maglakbay. pansamantala...ilalagay ko muna ang umiinog kong mundo sa isang sulok ng madumi at mapanghing kalsada. Langhapin ang lahat ng usok na ibinubuga ng makabagong karwahe ng buhay. Baka sakaling sa pagupo ko doon ay makita ko ang susing matagal ko nang hinahanap. Sayang, nais kong ngumiti sa'yo at kausapin ka...Nais kong ilahad ang madaming bagay ng aking pagkatao. Ang luha at galit...ang alaala...ang ligaya...nawawala sila.

Nais kong ngumiti sa'yo...dahil alam ko na iyon lamang ang tanging bagay na maiibibigay ko. Ipinagkait ng lupa ang maraming bagay sa akin. Gusto mo ba akong makita? Gusto mo bang sumama? Sa mundong madilim...

npakapalad mo dahil muli mong makikita ang sinag ng umaga... Kapag nangyari 'yon...
maari mo ba akong ihalik sa kaniya?

nagmamahal,
taong grasa

HINANGIN....

music and lyrics: lee xiaoran


Kamusta na
Tila ka'y bigat ng mga matang...
Gaya pa rin ng dati

Ano na ba
May bago bang balita
Bakit sakin ay nagbago na

refrrain:
Di maitago ikaw sa kahapon
Dilim ng sandali
Mga alaalang sugat sa damdamin
Naghahanap pa rin

chorus:
Hinangin ang pagibig
Ang pangarap ko
Ang pangako mo
Sa akin
Ay dalangin
Na magising na
At ikawang kapiling ko...

'Di ba sasabihing
May dahilan
At di ba pipiliting
Ibalik ang nakaraan

repeat refrain and chorus**

Tandang tanda pa rin
Di man lang tumingin
Bawat hakbang mo'u papalayo
Sa gitan ng ulan
Ikaw ay lumisan...kasamang...

repeat chorus**

Friday, June 6, 2008

"do i have to say goodbye
do i have the reason why
do i have to really cry
or do i have to stay a while"

Dalawampu't isang taon na akong nabubuhya sa mundong ito pero parang nahihirapan pa rin akong hanapin ang sarili ko. Natagpuan ko na nga ba SIYA (sarili ko ha)? Madami na akong ginawang desisyon sa buhay. Yung iba...Pasok sa banga, yung iba...palapak! But one thing is sure sa lahat ng pangyayari sa akin.. I always get the lesson.

Natatakot ako. Sa maraming bagay. I'm afraid of lossing someone. Natatakot akong mabigo, masaktan, at paulit ulit na umaiyak sa mga gabing wala man lang akong kadamay. Hindi ko alam kung sino sa friends ang dapat pagkatiwalaan eh, Oo andiyan sila pero mukhang ibang figure yung nabuo ko sa knaila eh. Lagi nila akong nakikitang masaya, palabiro...tumatawa that they almost forgot na tao din ako..dressed with emotions. Kaya pag nageemote ako sa kanila. Di sila naniniwala. I'm so pathetic.

Thursday, June 5, 2008

'wag Na Lang...


This is one of my composition during my senior year in highs chool inspired by my friend who happened to fall sa is ading malapit na kaibigan,. Sad to say, Di naman sila nagkatulyan or nagkaaminan...

Lumapit siya sakin one day asking

"Uleck, diba nagawa ka ng song? gawa mo nga ko ng song..."
nagulat naman ako, sosyal at may special request..."What type of song naman? Kalandian mo nanaman?"

Imbes na tumawa, nagkuwento na lang siya at ako ang natawa...
And this is the song...
Para sa mga torpe...
Para sa mga walang masabi...



Sa tuwina'y nandiyan ka
Karamay sa bawat saya
lagi sa tabi ko

Ikaw na nga kata
Sana nga'y ikaw na nga
Sana nga'y mangyari na

Paano sasabihing ma'y nadarama
Tingin mo at ngiti'y nakabaling sa iba...

CHORUS:
Wag na lang kaya
Wag na lang kaya
Wag na lang...
Wag na lang kaya

Ngayoy andiyan k ana
Dibdib ko'y puro kaba
Paos nanaman

Puso'u sumisigaw
Isip ay umaayaw
Lagi n alang ganiyan

At ikaw sa akin ay tumabi
Mahal na nga kita Pero di pa masabi...

*repeat chorus

Sasabihin ko ba
Sasabihin ko ba
Sasabihin ko na

Wag na lang kaya...

My Falling Pieces. . .

its already 2am in the morning but still ...hindi p ako dinadalaw ng antok... dami ko iniisip eh family and lovelife...toinkz!

its amazing how people came unexpectedly and break you the way they make u fall like the first time and its killing me rapidly... life goes on but till when? with my dry emotion...with every single vague beat of my heart...feeling ko im a zombie...im a walking dead...im a piece of paper falling from the peak of nowhere...this is always has to be...routine is killing me... para akong dagang nakulong sa labirynth.

i try to collect all friends from my past and want to compare what the life iwe had before from now.. and one of this fucking shit friend told me...

Me: pwede ba tayo magkita
unknown: hindi, busy na ko at me asawa na kay
me: wala lang, just want to talk about life and compare things when we were still young... unknown: ano k aba? me sarisarili na tayong buhay...

crap! bridge burner siya, which i never thought she was...One of my best buddy during my junior year... and it hurt to know that somebody who you think na minsang nagpatibay sayo eh puwede ka ring gibain in a near flow...

im so confused about this world...yes im falling again and this time...im making my own way to catch my self... do i have to take the risk...
i do...
i should...